Amerikano, arestado matapos makuhaan ng iligal na droga sa Zambales

54

Nanganganib mapabalik sa Estados Unidos ang isang Amerikano matapos maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Castillejos, Zambales.

Kinilala ni PDEG Director P/BGen. Remus Medina ang naaresto na si John Louis May na kilala rin sa alyas na John Louis, 42 anyos.

Naaresto si Louis sa ikinasang buy-bust operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, Zambales Provincial PNP at Castillejos Police Station sa Brgy. Del Pilar.


Narekober mula sa Amerikano ang humigit kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 340,000 at boodle money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon ay nasa custody na ng Special Operations Unit ng Police Regional Office 3 at ng PDEG ang suspek para sa documentation.

Facebook Comments