Bilang ng menor de edad na fully vaccinated kontra COVID-19, halos pitong milyon na

Umabot na sa halos pitong milyong kabataan edad 12 hanggang 17 na ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., matapos makapagtala ng 6.88 million o katumbas ng 54 percent ng total population ng menor de edad sa bansa ang nakatanggap na ng dalawang doses ng bakuna.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Galvez na posibleng matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna sa kabataang edad 12 hanggang 17 sa katapusan ng Marso.


Dagdag pa nito, maaari na ring simulang turukan ng booster shot ang naturang age group sa Abril kapag ito ay aprubado na ng mga eksperto.

Sa ngayon, umabot na sa 55 milyong pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Facebook Comments