Unang araw ng implementasyon ng “No vax, No ride” Policy sa NCR, naging matiwasay – PNP

131

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naging maayos ang unang araw ng implementasyon ng “No vax, No ride” Policy sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Roderick Alba, walang untoward incident ang naitala sa pagsisimula ng polisiya.

Dahil dito, nagpasalamat si Alba sa kooperasyon ng publiko.


Ngunit nilinaw nito na nasa ‘warning phase’ pa lamang ang pagpapatupad nito at magsisimula na silang manghuli sa susunod na linggo.

Inamin naman ni Alba na pahirapan ang pag-iinspeksyon ng mga COVID-19 vaccination cards na galing sa labas ng Metro Manila dahil sa magkaibang security features nito.

Facebook Comments