Umabot sa 19,005 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lambak ng Cagayan ang nabakunahan sa ginanap na National Vaccination Day mula November 29 hanggang December 1, 2021.
Mula sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2), 12,810 sa mga ito ay mula sa adult population o edad 18 pataas habang 6,195 naman ay mula sa pediatric population o edad 12 hanggang 17.
Ang probinsya ng Cagayan ang nakapagtala ng pinakamataas na nabakunahan na umabot sa 9,738; pumapangalawa ang probinsya ng Isabela sa 4,300; at sumunod ang Nueva Vizcaya sa bilang na 2,862 at 2,105 naman sa probinsya ng Quirino.
Kaugnay nito, inihayag ni DSWD Regional Director Cezario Joel C. Espejo na patunay lamang na ang bilang ng mga nabakunahan ay patunay lamang na naging matagumpay ang ahensya sa adbokasiya na mabakunahan ang mga miyembro ng 4Ps.
Samantala, nagpasalamat naman si DOH Regional Director Dr. Rio Magpantay sa suporta ng lahat ng ahensiya ng gobyerno upang maisakatuparan ang tatlong espesyal na araw ng pagpapabakuna.