Umaabot na sa mahigit 100 na domestic at international flights ang apektado ng pag-overshoot ng eroplano ng Korean Air sa runway ng Mactan-Cebu International Airport.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hinihintay pa nila ang resulta ng mga imbestigador sa nangyaring insidente.
Tiniyak din ng Korean Air na nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon hinggil dito.
Humihingi na rin ng paumahin sa mga naapektuhan ng insidente ang pangulo ng Korean Air na si Keehong Woo.
Pinapayuhan naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga airlines na i-divert na lamang sa ibang airport sa bansa ang kanilang flights.
Nagpa-alala rin ang MIAA sa mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airline bago magtungo sa airport.