Sumampa pa sa 16, 476 na pamilya o katumbas ng 60,817 mga indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Karding.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ito sa 948 na barangay mula sa Region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at Cordillera Administrative Region.
Karamihan sa mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Kaugnay nito, nasa 12,352 pamilya o 46,008 na indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 976 na evacuation center sa mga nabanggit na rehiyon.
Samantala, 1,648 pamilya o 5,803 indibidwal ang mas piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.
Ang mga ito naman ay binibigyan ng family food packs at iba pang tulong ng pamahalaan.
Facebook Comments