Former Chief Justice Lucas Bersamin, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong executive secretary

238

Inappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Former Chief Justice Lucas Bersamin bilang bagong executive secretary.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kapalit ng nagbitiw na si Atty. Victor Rodriguez.

Sinabi ni Angeles si Bersamin ay nanumpa kanina at nagsimula na agad sa kanyang trabaho sa ika-9 na cabinet meeting sa Malacañang ngayong araw.


Matatandaang una nang bumaba sa pwesto si Atty. Victor Rodriguez ay inappoint ng pangulo bilang Presidential Chief of Staff.

Ang kanyang posisyon ay bagong opisina sa Malacañang na binuo sa pamamagitan ng Administrative Order No. 1.

Facebook Comments