Manila, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga evacuees’ mula sa Marawi City.
Kasunod pa rin ito ng nagpapatuloy na bakbakan ng local terror group na Maute at militar.
Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo – as of 8:00 kagabi, ang kabuuang apektadong mga residente sa marawi ay umaabot na sa 59,665 mula sa 26 na mga barangay sa siyudad.
Aniya, nasa 4,278 na ang mga nagsilikas at ngayon ay nasa 14 na mga evacuation centers.
Kasabay nito tiniyak ni Taguiwalo na regular naman ang pagpapadala nila ng relief goods at prayoridad nila ang mga nasa evacuation centers.
DZXL558
Facebook Comments