Inilabas na ng Philippine Military Academy ang listahan ng mga kwalipikadong kukuha ng pagsusulit para sa PMA entrance examination sa darating na September 24-25, 2022 sa Lingayen, Pangasinan.
Sa kabuuang bilang na inilabas ng pamunuan ng PMA, pumalo sa 870 na kwalipikadong examinees ang nakatakdang kumuha ng pagsusulit sa nasabing araw kung saan ang mga ito ay regular na aplikante.
Samantala, ayon sa PMA Organization, maaari pa umanong mag-apply sa pamamagitan ng walk-in application ang mga nais pang humabol sa naturang pagsusulit sa mismong araw ng pagsusulit basta’t kailangan kumpleto ang requirements gaya na lamang ng Duly accomplished application form, two pcs 2×2 ID Picture (White Background), Photocopy of NSO Birth Certificate and Form 137/138 (for High School level) or Transcript of Records para sa College level), Mongol Pencil #2, Valid ID.
Isinasagawa ang PMA Entrance Examination taon-taon at nagbibigay ng oportunidad sa mga nais sumali sa hanay ng PMA at maging Cadet Corps Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments