Bilang ng mga bagong overhaul na light rail vehicles o train cars ng MRT-3, umakyat na sa 58

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-overhaul ng train cars o bagon ng Metro Rail Transit Line-3 o MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, umakyat na sa 58 ang bilang ng mga bagong overhaul na light rail vehicles nito.

Sa kasalukuyan, nasa 14 na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang nakatakdang i-overhaul upang maibalik sa dating magandang estado at performance ang mga ito.


Ayon pa sa management, malaki ang maitutulong ng mas maraming operational na train cars para sa pagpapataas ng kapasidad ng rail line.

Sa ngayon, nasa 14 hanggang 16 ang tumatakbong train car train sets habang apat naman na 4-car train set.

Facebook Comments