MANILA – Aabot na sa mahigit 6 na milyon ang bilang ng mga kabahayan ng mga drug suspects ang kinatok sa ilalim ng oplan tokhang ng Philippine National Police.Ito ay ayon sa datos ng PNP mula July 1, 2016 hanggang alas-6 ng umaga ng January 5.Pumalo na sa 6,018,074 na kabahayan ng mga drug suspect ang kinatok sa ilalim ng oplan tokhang.Umaabot naman sa 2,180 ang bilang ng mga napatay na drug suspek matapos umanong manlaban sa ilalim ng oplan double barrel alpha.Nsa 40,663 na anti-drug operations ang ikinasa; 43,577 ang naaresto; habang nasa 1,017,869 na mga drug user at pusher ang sumuko.Sa ngayon, nagpapatuloy ang oplan tokhang ng PNP para sa kanilang oplan double barrel alpha na naglalayon pa ring masawata ang iligal na droga sa bansa.
Facebook Comments