Banta Ng Terorismo Sa Nalalapit Na Pista Ng Itim Na Nazareno – Seryoso Ayon Sa Dilg

15

MANILA – Malaki ang posibilidad na nasa Metro Manila pa rin ang mga teroristang grupo.Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Esmael Sueno matapos kumpirmahin ang umano’y terror threat partikular sa traslacion ng itim na Nazareno sa Lunes.Ayon sa kalihim – seryoso ang natanggap nilang banta partikular sa Maute Group.Aniya, posibleng bahagi ito ng tangkang paghihiganti sa military operation sa Mindanao kung saan napatay kaninang madaling araw ang kumander ng Khalifa Philippines sa Saranggani Province.Sa kabila nito, nilinaw ni Sueno na hindi nila irerekomendang kanselkahin ang traslacion pero mahigpit ang paalalang sa mga deboto na magdoble-ingat sa kanilang pagdalo sa prusisyon.

Facebook Comments