Bilang ng mga bakunadong APOR na nag-avail ng libreng sakay, umabot na sa 33,717

Umabot na sa 33,717 ang bilang ng mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakinabang sa nakatanggap ng libreng sakay ng MRT-3 kahapon.

Ang libreng sakay ay sa oras ng peak hours mula ika-7:00 hanggang ika-9:00 ng umaga at mula ika-5:00 ng hapon hanggang ika-7:00 ng gabi.

Magtatagal ang libreng sakay para din sa mga APOR hanggang September 7, 2021.


Para makapag-avail sa libreng sakay, kinakailangan lamang ipakita ng pasahero ang vaccination card at ID, katulad ng company ID na nagpapatunay na siya ay kabilang sa APOR na bakunado ng first dose man o fully vaccinated.

Ang inisyatiba ay bahagi ng layunin ng Department of Transportation (DOTr) na hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

Facebook Comments