Mahigit 20,000 COVID-19 cases, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 20,310 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

7,710 naman ang bagong gumaling habang 193 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,040,568 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay pumalo na sa 158,994 habang ang total recoveries ay 1,847,701.

Ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 33,873.

Facebook Comments