Umaabot na sa 250,251 na bakuna ang nagamit ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga kabataan may edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Sa datos ng Manila Health Department, nasa 135,865 ang naiturok para sa first dose habang 114,386 naman ang nagamit para sa second dose sa mga menor de edad.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang ikinakasang pagbabakuna ng lokal ng pamahalaan sa mga kabataan lalo na’t nasa 186,302 ang bilang ng mga nagparehistro na nais mabakunahan.
Samantala, bagama’t all set na ang mga lugar sa gagawing pagbabakuna sa lima hanggang labing-isang taong gulang na mga bata kung saan gaganapin ito sa Manila Zoo at Bagong Ospital ng Maynila inaabangan na lamang ng Manila LGU ang required na bakunag gagamitin.
Sa kasalukuyan, nasa 11,281 ang bilang ng mga bata na nagpatala upang maturukan ng bakuna kontra COVID-19.