Senate Blue Ribbon Committee, maglalabas na ng preliminary report ukol sa katiwalian sa pagbili ng pandemic supplies

75

Ilalabas na sa lunes ng Senate Blue Ribbon Committee ang preliminary report na base sa imbestigasyon nito sa umano’y katiwalian sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies.

Ayon kay Committee Chairman Senator Richard Gordon, bato-bato sa langit, ang matamaan ay huwag magagalit dahil malinaw na malinaw na ninakawan talaga ang bayan.

Umaasa si Gordon na pipirma ang mga kapwa senador sa kanyang ilalabas na committee report.


Nakiusap din si Gordon na panoorin ang paglalabas niya ng report upang makita kung sino ang mayroong gulugod at paninindigan na ipagtanggol ang mamamayan.

Sabi ni Gordon, ilalabas niya ang kumpletong committee report kapag nahuli na ang limang sangkot sa kontrobersya na contempt sa pagdinig kahapon at pinapaaresto na.

Kahit maglalabas na ng report ay plano ni Gordon na ipagpatuloy pa rin ang imbestigasyon dahil hanggang Hunyo 29, 2022 pa aniya itong 18th congress.



Facebook Comments