NAGPAPATULOY ang pagtutok ng mga awtoridad sa Region 1 sa paglaban kontra malnutrisyon sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Sa isinagawang Launching ng Nutrition Month sa rehiyon sinabi ni Regional Development Council Chairman, Juan Carlo Medina, bumaba ng 4. 86% ang bilang ng mga batang ‘bansot’ sa rehiyon noong 2020 kumpara sa noong 2019 na nasa 6. 74 na nasa edad lima pababa.
Patuloy din na bumaba ang bilang ng mga batang underweight sa rehiyon mula sa 2. 67 noong 2019 nakapagtala ng 1. 92 na lamang noong 2020.
Sinabi naman ni Dr. Jimuel Cardenas, Chief of Local Health Support Division ng DOH-CHD1, na patuloy ang kanilang pagbibigay kaalaman para sa maternal condition at child feeding practices sa mga Nanay sa unang dalawang taon ng bata.
Nanawagan naman si Medina sa mga Ina na pakainin ng masusustansyang pagkain ang mga anak at ang breastfeeding practices upang malabanan ang malnutrisyon.
Sa huli, sinabi nito na maging malusog upang tuluyang malabanan ang COVID-19.