Umabot na sa 600,000 na bilang ng mga batang edad lima hanggang labing isang taong gulang ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Department of Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Dr. Myrna Cabotaje, halos isang buwan matapos umpisahan ng gobyerno ang pediatric vaccination sa nasabing age group noong February 7.
Ayon kay Cabotaje, as of February 24, umakyat na sa 663,384 na mga batang five- to 11 year-olds ang nabakunahan.
Sa kabila nito, aminado ang opisyal na may kakapusan sa suplay ng reformulated low-dose Pfizer COVID-19 worldwide kaya medyo natatagalan ang bakunahan sa mga ito.
Nabatid na nasa 1.7 million mula sa 7-milyong bata sa naturang age group ang target na mabakunahan ng pamahalaan.