Sunog na sumiklab sa M.H. Del Pilar Brgy. San Antonio, Quezon City, naapula na

Idineklarang fire out na ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa 78 M.H. Del Pilar Brgy. San Antonio, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP Quezon City, naireport ang sunog bandang 10:47 kaninang umaga na agad itinaas sa unang alarma bago naapula ng 11:59 ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa loob ng kuwarto sa ibabang palapag ng bahay na pag-aari ng isang Lalaine Perez


Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil gawa lang ang mga ito sa light materials.

Abot sa apat na bahay ang nasunog habang wala namang naireport na nasugatan.

Tinitingnan ng BFP na sanhi ng sunog ay ang problemang elektrikal.

Facebook Comments