Bilang ng mga batang nabakunahan kontra Polio sa Maynila, umabot na sa higit 100

Umabot sa higit 100 bata ang nabakunahan ng Department of Health (DOH) sa unang araw ng paglulunsad ng Syncronized Immunization Program kontra Polio.

Hindi rin naging pahirapan ang pagpapabakuna dahil ang ibinigay sa mga bata ay oral drops at hindi injection.

Target ng DOH na makapagbakuna ng 196,000 na bata ‘under five years old’ sa Maynila laban sa Polio.


Ayon sa DOH, ang Polio Vaccination Program ay gagawin sa buong bansa.

Sa ngayon, sinabi ng World Health Organization (WHO) na wala pa ring lunas sa sakit pero pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Facebook Comments