Bilang ng mga biktima ng paputok, halos 70% mababa kumpara sa nakaraang taon

Bumaba ng 68 porsiyento ang bilang ng firecracker related injuries sa pagsalubong sa 2019.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakapagtala ang Department of Health (DOH) mula Disyembre 21 hanggang Enero 1 ng 139 firecracker related injuries na mas mababa sa 428 cases noong nakaraang taon.

Aniya, nagdulot ng pinakamaraming kaso ng sugatan ay kwitis, boga, piccolo, lusis, five star at triangulo.


Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming firecracker-related ay ang National Capital Region, Western Visayas, Central Visayas, Central Luzon at Calabarzon.

Naniniwala rin ang kalihim na bumaba ang biktima ng mga paputok dahil sa Executive Order (EO) 28 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimita sa paggamit nito, walang tigil na pag-ulan at puspusang kampaniya ng ahensya.

Gayunman, posible aniyang madagdagan pa ang mga naging biktima ng paputok lalo at wala pa sa bilang ang record sa iba’t ibang hospital sa buong bansa.

Sabi pa ni Duque, bagaman at natutuwa ang DOH na malaki ang ibinawas ng mga sugatan sa paputok, target pa rin nila ang zero casualty sa mga susunod na taon.

Facebook Comments