5 New Year baby na isinilang sa Fabella hospital, makatatanggap ng regalo

62

Makakatanggap ng regalo ang unang limang sanggol na isinilang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital nitong pagpasok ng 2019.

Lagpas isang oras matapos pumatak ang 2019, isilang ang kauna-unahang sanggol sa naturang ospital na kinilalang si Baby Zairah at ikatlo nang anak ni Lenie Bonto, 31-anyos, housewife na nakatira sa Quezon City.

May isa pang sanggol na ipinanganak 30 minuto lang ang pagitan kay baby Zairah.

Ayon kay Dra. Prima Donna Napa-Lim, senior house officer ng ospital, ngayon na lang ulit sila nakaranas ng New Year baby na ipinanganak mahigit isang oras pa pagkatapos sumapit ang bagong taon.

Aniya, naging tradisyon na nila ang pagkilala sa New Year babies.

Sabi pa ni Napa-Lim, madalas may mga donor na nagbibigay ng mga kagamitan na pansanggol para sa New Year babies.

Facebook Comments