Bilang ng mga biktima ng paputok sa bansa, umabot na sa 14

Umabot na sa 14 ang naitalang kaso ng fireworks-related injuries sa buong bansa mula December 21.

Ayon sa Department of Health (DOH), 13 sa mga ito ay dahil sa pagpapaputok habang ang isa ay biktima ng stray bullet o ligaw na bala

Karamihan sa mga kaso ay mga lalaking may edad 10 hanggang 43.


Tatlong kaso ay naitala mula Bicol Region at Metro Manila at tig-isang kaso mula sa Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Nabiktima ang mga ito ng five star, baby rocket, boga, bong-bong, fountain, rebentador, at whistle.

Sa ngayon, wala pang naitala ang kagawaran ng kaso ng firework ingestion o paglunok ng paputok.

Facebook Comments