Bilang ng mga bilanggo na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 745

Umabot na sa bilang na 745 ang bilanggo na nagpositibo sa COVID-19 sa mga jail facilities sa bansa.

Base sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mula sa naturang bilang, anim ang binawian ng buhay.

Nakarekober naman ang 388 at may 321 na mga bagong kaso.


May nagpositibo rin na mga BJMP personnel na umabot na sa 125.

Nakarekober naman ang 65 habang may 60 na active cases.

Facebook Comments