Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na umaabot sa 892,627 ang kabuuang bilang ng mga botante na nagparehistro ng dalawa o higit pa sa magkakaibang lugar.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, maaaring hindi sinasadya ng ilang botante ang makapagparehistro ng ilang ulit.
Gayunman, kanila pa rin aniyang iimbestigahan ang mga ito at posibleng panagutin ng COMELEC sa batas.
Nilinaw naman ni Garcia na pananatilihin nila ang orihinal na registration ng botante para matiyak na hindi malalabag ang karapatan nilang bumoto.
Tinukoy ni Garcia na 1 hanggang 6 na taong pagkakakulong ang parusa sa mga mahuhuling lumabag sa nasabing batas.
Facebook Comments