Mga balota para sa Overseas Absentee Voting, natanggap na ng Philippine Embassy sa Hungary

Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Hungary na natanggap na nila ang mga balotang gagamitin sa Overseas Absentee Voting.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy sa Hungary na mag-email na ng kanilang address sa kanila para maipadala na ang mga balota via mail.

Binigyan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Hungary na mag-abiso sa kanila ng address hanggang sa April 9, 2022.


Kailangan namang maipadala o mai-mail ng mga Pinoy ang mga balota sa embahada bago sumapit ang May 9, 2022, araw ng halalan sa Pilipinas.

Maari ding personal na bumoto o magtungo sa Philippine Embassy ang mga Pinoy mula sa April 10 hanggang sa May 9.

Facebook Comments