Umakyat pa sa 3,870 ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Special Assistant to Department of Health (DOH) Secretary Dr. Beverly Ho, dumagdag sa nasabing bilang ang 106 na panibagong kaso.
Nadagdagan naman ng lima ang mga nasawi na pumalo na sa 182.
Habang 12 ang mga gumaling sa sakit na ngayong ay nasa 96 na.
Samantala, tumaas ng 19% ang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na nakarekober mula sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang pinakamataas na porsyento ng mga nakarekober sa nakaraang dalawang linggo.
Sa datos ng DFA, umabot na sa 594 ang mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 mula sa 37 bansa at rehiyon kung saan 164 rito ang nakarekober na habang 362 naman ang sumasailalim pa rin sa gamutan.
Facebook Comments