Bilang ng mga COVID free barangay sa Pasay City, nadagdagan pa

46

Muli pang nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang COVID free barangay sa lungsod ng Pasay.

Sa datos na inilabas ng Pasay City Public Information Office, nasa 110 na barangay ang wala ng naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, patuloy pa rin pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang mga residente nito upang huwag ng kumalat pa ang nasabing sakit.


Nasa 246 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 27 rito ang naitalang new cases.

535 ang nasawi habang pumalo sa 20,852 ang bilang ng nakarekober.

Ang kabuuang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City ay umaabot naman sa 21,633.



Facebook Comments