PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng tatlong pulis na nasawi habang naka-duty sa Antique at Camarines Sur

904

Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine National Police (PNP) sa tatlo nilang miyembrong nasawi habang naka-duty sa lalawigan ng Antique at sa Naga City, Camarines Sur.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na tutulungan nila ang mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Nasawi si Police Staff Sergeant Elvin Agting sa shootout habang nasa police operation sa Bugasong, Antique.


Habang kasalukuyang rumoronda noon si Police Chief Master Sergeant Romeo Padua sa barangay Dinaga sa Naga City nang hampasin ng isang lalaki ng bakal na tubo ang kaniyang ulo bago binaril.

Agad namang rumesponde sa insidente si Police Corporal Christian Del Valle pero hindi rin siya nakaligtas matapos barilin ng suspek na si Jericho Cano.

Samantala, napatay ang suspek sa follow up operation sa Barangay Sabang sa Naga City.



Facebook Comments