Umabot na sa 608 na miyembro at taga-suporta ng Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army (CPP-NPA) ang sumuko sa tropa ng gobyerno.
Ito ang naitala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa unang dalawang buwan ng 2019.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Noel Detoyato, mula sa nasabing bilang, 107 dito ay regular armed members, 137 ay milisyang bayan at 364 ay mass supporters.
Malaki rin aniya ang tulong ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno na layuning tulungan ang mga dating rebelde na makabangon sa pamamagitan ng livelihood assistance, medical assistance, education, housing at legal assistance.
Facebook Comments