Bilang ng mga drayber na mabibigyan ng fuel subsidy, hindi pa pinal ayon sa LTFRB

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pa pinal ang bilang ng mga drayber na mabibigyan ng fuel subsidy sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba sa P1.0 billion para sa fuel subsidies ng transportation sector na apektado ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, maaari pang magbago ang bilang ng mga mabibigay ng fuel subsidy.


Patuloy naman ang balidasyon sa listahan ng mga mabibigyan ng benepisyaryo.

Batay sa inisyal na bilang ng LTFRB, 178,000 tsuper ang makikinabang sa fuel subsidy.

Kasabay nito, sinabi ni Delgra na sa susunod na linggo ay inaasahang malalaman na kung magkano ang eksaktong halaga ng subsidiyang ibibigay.

Pinaplantsa na rin ng LTFRB at Landbank of the Philipppines ang proseso ng pamamahagi ng subsidiya.

Facebook Comments