Pagpapasok sa bawat batch ng namamasyal sa Dolomite Beach sa Manila Bay, lilimitahan na!

Lilimitahan na sa 10 hanggang 11 minuto ang pagpapasok sa bawat batch ng mga mamamasyal sa Dolomite Beach sa Manila Bay mula Lunes hanggang Huwebes.

Daan ito para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at masunod pa rin ang social distancing bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa weekend, may oras din ng pagpapapasok sa pasyalan at kailangan din ng stub.


Pinaplantsa pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sistema nito.

Sarado ang Dolomite Beach mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre.

Tanging ang mga batang edad 11 taong gulang pataas lamang ang papayagang makapasok sa lugar.

Facebook Comments