Aabot na sa higit isang libong barangay sa Pangasinan ang nalinis sa ilegal na droga.
Ayon sa PDEA, mula sa 1, 272 na drug affected barangays, 1, 073 dito dito ang nabigyan ng drug cleared status.
Mula Enero hanggang Mayo nasamsam ng ahensya sa kanilang pitong operasyon ang 2.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu at marijuana.
1. 7 milyong halaga dito ay ang sa hinihinalang shabu at 480,000 sa marijuana.
Sa isang pahayag sinabi ni PDEA Pangasinan Officer Rechie Camacho, nabawasan ang suplay ng illegal na droga sa probinsiya simula nang pinaigting na kampanya nito sa panahon ng panunungkulan ni Presidente Duterte. | ifmnews
Facebook Comments