VP Robredo, balik-bansa na!

135

Balik-bansa na si Vice President Leni Robredo matapos na dumalo sa graduation ng kanyang bunsong anak na si Jillian sa Amerika.

Kasamang dumating ni Robredo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang kanyang mga anak dakong alas-10:30 ng gabi.

Nag-alok ang airport authorities ng courtesy assistance kina Robredo pero tinanggihan niya ito at dumaan sa usual arrival process kasama ng iba pang mga pasahero.


Samantala, oras na makapagpahinga si Robredo ay makikipagpulong naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kanya para talakayin ang magiging papel ng senador sa ilulunsad nitong Angat Buhay NGO sa Hunyo 1.

Ang naturang non-government organization ay hango sa Angat Buhay program ng Office of the Vice President.

Facebook Comments