BILANG NG MGA DRUG CLEARED BARANGAY SA PANGASINAN, NASA 86% NA; PAGPAPATAYO NG BALAY SILANGAN SA MGA BAYAN TINUTUTUKAN

Sumampa na sa 86% ng mga barangay sa Pangasinan ang idineklarang drug cleared, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan.
Sa isang panayam, sinabi ni Rechie Camacho, PDEA Pangasinan Provincial Officer, mula sa 1, 271 na affected barangay nasa 1, 074 ang deklaradong barangay cleared at mayroon pang 197 ang nanatiling drug affected.
Aniya, nagpapatuloy ang isinasagawang Tutok-Pdea Kontra Droga upang marami pang barangay ang malinis sa illegal na droga.

Kabilang sa mga programa ng ahensya ay ang patuloy na pakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatayo ng Balay Silangan.
Aniya, ang lalawigan ay mayroon ng apat na Balay Silangan na matatagpuan sa Sison, Basista, San Carlos City at Balungao na malaking tulong para sa mga indibidwal na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.
Ang Balay Silangan ay pasilidad kung saan mananatili ang mga matutukoy na indibidwal upang sumailalim sa isang rehabilitasyon at makapag bagong buhay.
Nakatakda ding pasinayaan ang Balay Silangan sa bayan ng Bani, San Quintin at Asingan. |ifmnews
Facebook Comments