26 NA RESIDENTE NG ALAMINOS CITY, BENEPISYARYO NG SLP NG DSWD

13
Nasa 26 na residente ng Alaminos City ang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program o SLP ng Department of Social Welfare and Development.
Isinagawa ang referrals pay-out sa opisina ng CSWDO sa bayan kung saan isa-isang tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang gagamiting pera sa kanilang mapipiling negosyo.
Layunin nitong mabigyan ang mga residente ng maliit na negosyo ng karagdagang pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Magsasagawa naman ng monitoring at imbentaryo ang miyembro ng CSDWO sa mga benepisyaryo upang malaman ang kalagayan ng mga ipinatupad na proyekto at mabigyan ng technical na tulong nang mapaunlad ang kanilang napiling negosyong pangkabuhayan. |ifmnews
Facebook Comments