Bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll sa school year 2022-2023, pumalo na sa higit 22.5 million ayon sa DepEd

Umabot na sa higit 22.5 milyong estudyante mula sa pampublikong at pribadong paaralan ang nag-enroll para sa school year 2022-2023.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Learner Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) as of August 18 kung saan pumalo na sa 22,517,657 ang rehistradong mag-aaral.

Sa naturang bilang, nangunguna pa rin ang Region IV-A o Calabarzon na may higit 3.2 milyong enrollees na sinundan ng Region III (Central Luzon) na may 2.4 milyong enrollees at Metro Manila na aabot naman sa 2.3 milyong estudyante ang nagparehistro.


Mababatid na nasa 28.6 milyong enrollees ang target ng DepEd para sa school year 2022-2023.

Samantala, matatapos ang enrollment period sa August 22 na siyang unang araw rin ng pasukan at ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa ay wala pang pinag-uusapang extension para rito.

Facebook Comments