Bilang ng mga evacuees sa Brgy. Bagong Silangan at Roxas district, nadagdagan pa

38

Bawat bahay na ang pinupuntahan ng mga tauhan ng Barangay Disaster Risk Reduction para sa forced evacuation sa barangay Bagong Silangan sa Quezon City


Ayon kay QCDRRMO Chief Mike Marasigan, sa ngayon ay mayroon nang 16 na pamilya ang nailikas sa covered court.

Kabilang sa mga bina-bahay bahay ngayon ay ang Sitio ng Tumana, Greenland, Bona at Tagumpay.

Nasa 36 namang pamilya ang nailikas sa Roxas District.

Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng pagkain ng Social Services Department ng Quezon City sa mga evacuation center.

Naka standby naman ang mga tauhan ng Philippine Red Cross para agad na makaresponde sa kailangang tulong ng mga  indibidwal sa mga pook likasan.

Facebook Comments