Bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa Quezon City, umabot na ng 88% ngayong araw

Nadadagdagan pa ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, umabot na sa 88% ang recoveries o katumbas nito ang 18,435 na mga individuals.

Nasa 9% naman ang active cases o katumbas ng 1,969 habang 3% lamang o 587 ang namatay.


Sa kabuuang 20,991 na mga nagpositibo sa COVID-19, nasa 19,391 dito ang natunton sa pamamagitan ng contact tracing.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang pagtaas ng recovery rate ng lungsod ay bunsod na rin ng pina-igting na contact tracing matapos makakuha ng mahigit isang libong contact tracers.

Bukod dito, nadagdagan na rin ang mga molecular laboratories sa lungsod kung saan apat na government hospitals na nasa ilalim ng pangangasiwa ng QC LGU ang nagsasagawa ng swab test.

Facebook Comments