Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang ulat ng City Health Office nito na mas dumarami ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 kumpara sa mga nagkakasakit.
Ayon kay Zamora, ito na ang pang 11 pagkakataon ngayong Oktubre na mas mataas ang bilangng ng mga gumagaling sa naturang sakit.
Batay sa pinakabagong tala ng CHO ng lungsod, 10-7 ang bilang, ibig sabihin 10 ang bilang ng gumaling at pito naman ang nagpositibo sa sakit sa loob ng 24 oras.
Pahayag pa ni Zamora na isa itong magandang balita para sa mga taga-San Juan, lalo na aniya na hanggang nagyon ay wala nang nasasawi sa lungsod ng dahil sa virus.
Umaasa naman ang alkalde na magtutuloy-tuloy ito hanggang makamit nila ang kanailang goal na zero COVID-19 case sa lungsod kasunod din ng bumaba ng tatlo mula 125 na bilang ng active cases ng lungsod.