Tinatayang aabot sa 154,000 motorsiklo ang bumabaybay sa mga pangunahing kalsada partikular na sa Epifanio Delos Santos Avenue o EDSA kada araw
Batay ito sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kung saan, nalagpasan na nito ang pre-pandemic level na 98,000.
Paniwala ng MMDA, dahilan ito ng pagdami ng rider dahil kabilang ang mga ito sa Transport Network Vehicle Service o TNVS lalo pa ngayong Holiday season.
Idagdag pa riyan ayon sa MMDA ang mga pumapasadang habal-habal sa mga pangunahing lansangan araw-araw.
Kung magtutuloy-tuloy ang pagdami ng mga nagmomotorsiklo, sinabi ng MMDA na hindi malabong matulad na ang Pilipinas sa Vietnam na may pinakamaraming gumagamit ng motorsiklo bilang mode of transportation.
Facebook Comments