Bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19, 90.1% na

90.1% o 348,967 na ang mga gumaling sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos na 153 ang panibagong gumaling ngayong araw.

Ang aktibong kaso naman ay 8.0% na lamang o 30,876.


1,772 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 387,161.

49 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 7,318 o 1.89%.

Samantala, ang mild cases ngayon sa bansa ay 82.5%, ang asymptomatic ay 10.0% habang ang critical cases ay 4.8% at ang severe ay 2.7%.

Ang mga lugar naman na nagkaroon ng panibagong mataas na kaso ng COVID-19 ay ang Pampanga, Quezon City, Laguna, Batangas at Manila.

Sa hanay naman ng overseas Filipinos, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ng 119 na bagong kaso at 75 na bagong recoveries.

Bunga nito, ang total cases na ay 11,364 at ang total recoveries ay 7,354.

Habang ang active cases sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 3,182.

11 naman ang mga pinoy na panibagong binawian ng buhay sa ibayong dagat kaya ang total deaths na ay 828.

Facebook Comments