Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 ngayong araw, bumaba!

60

Nakapagtala lamang ang Department of Health ng 133 indibidwal na bagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, 2,471, 282 na ang kabuuang bilang ng recoveries.

Habang umabot 9,868 naman ang mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw kaya’t muling umakyat sa 112, 807 ang nananatiling aktibong kaso.


Sa ngayon, pumalo na sa 2 ,622, 917 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng nasabing sakit.

Samantala, wala namang nadagdag sa mga nasawi kaya’t nananatili sa 38,828 ang total recorded deaths.

Facebook Comments