Kaso ng African Swine Fever sa bansa, umakyat na sa 69

Umabot sa 69 na ng kaso ng African Swine Fever (ASF) ang naitala ng Department of Agriculture (DA) sa mga barangay sa bansa nitong Setyembre.

Ayon kay DA Assistant Secretary Noel Reyes, ang mga nasabing kaso ay mula sa 29 na bayan sa 13 na probinsya.

Naitala rin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang ASF sa 41 na barangay sa Rehiyon ng Ilocos.


Dahil dito, magbibigay ng karagdagang pondo ang DA para sa programa laban sa pagkalat nito.

Facebook Comments