Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, mahigit 15,000 na

23

Umabot na ng 15,230 ang kabuuang bilang ngayon ng mga gumaling na sa sakit na dulot ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, matapos itong madagdagan ng 42 kagabi.

Nabawasan naman kagabi ng dalawa ang kabuuang ang active cases sa lungsod, kaya naman nasa 304 na ito.


Nananatili naman sa 391 ang mga nasawi sa lungsod na dulot ng COVID.

Nasa 15,925 na ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments