Isang lamay sa Tondo, Maynila, sinita ng mga pulis

23

Sinita ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station-1 ang isang lamay sa Tondo, Maynila.

Ito’y dahil sa dami ng tao na nagtungo sa nasabing lamay kaninang hatinggabi.


Partikular na tinungo ng mga pulis ang lamay sa Brgy. 95 kung saan may ilang bote ng alak ang nakita kasabay ng pagkakaroon ng kainan.

Ayon sa mga pulis, kanilang aalamin ang pagkakakilanlan ng mga nagtungo sa lamay bilang bahagi ng health protocols tulad na lamang ng contact tracing.

Bukod sa mga nag-inuman, may ilang menor de edad rin ang nasita lalo na’t umiiral pa rin ang curfew sa lungsod.

Todo tanggi naman ang mga opsiyal ng Brgy. 95 hinggil sa mga aktibidad ng lamay kahit pa nasa likod lamang ng barangay hall ang covered court kung saan ginaganap ang burol.



Facebook Comments