Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pasay City, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakakarekober na mga residente ng Pasay sa COVID-19.

Sa datos ng Pasay Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umaabot na sa 6,126 ang nakarekober matapos makapagtala ng limang bago ang gumaling kahapon.

Nasa 147 naman ang active cases at 16 dito ang naitalang bagong kaso.


Umaabot na rin sa 6,445 ang bilang ng kumpirmadong kaso habang 172 na ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Muling paalala ng lokal na pamahalaan ng Pasay na huwag maging kampante ang publiko at manatili pa rin sa bahay kung wala namang importanteng kailangang gawin habang magsuot ng face mask at face shield kung kinakailangan namang lumabas.

Kailangan pa rin kooperasyon ng lahat upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments