Dalawang lalaking drug pusher sa Muntinlupa, arestado

Timbog ang dalawang lakaking nagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ezekiel Espina Capuno, 30 -anyos at Aldrin Guzman Torres, 33-anyos, parehong mga residente ng Barangay Alabang ng naturang lungsod.

Nakuha mula sa kanila ang 1.5 grams ng pinaghihinalaang shabu na katumbas ang halagang P10,300 at P200 na perang ginamit bilang buy bust money.


Sinalakay ng mga otoridad ang bahay Espina pasado ala-1:40 ng hapon kahapon matapos makumpirma ang ilegal na gawain ng mga suspek kaugnay sa ilegal na droga.

Nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments