Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, halos 2,000 na!

Umabot na sa 1,924 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay makaraang makapagtala ng 82 na panibagong recoveries ngayong araw.

Aabot naman sa 184 na panibagong kaso ng sakit ang naitala ng Department of Health (DOH) dahilan para sumampa sa 10,794 ang kabuuang kaso nito habang 719 na ang nasawi.


Samantala, nananatili naman sa 2,178 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa virus.

Wala ring nadagdag sa bilang ng nasawi na nananatili pa rin sa 253 habang 642 na ang naka-recover.

Patuloy namang nagpapagaling sa iba’t ibang ospital ang 1,283 tinamaan ng sakit.

Facebook Comments