Bilang ng mga guro sa bansa, patuloy na bumaba Ayon sa Alliance of Concerned Teachers

Nababahala na ang grupong Alliance of Concerned Teachers sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagnanais na maging guro.

 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Raymond Basilio, Secretary General ng ACT-Philippines na maraming mga guro ang pinipili na lamang na mag domestic helper sa ibang bansa kaysa ang magturo dahil na rin sa kawalan ng suporta ng gobyerno.

 

Ayon naman kay Vlademir Quetua ng ACT’ NCR Union, maraming mga teacher ang pinipili na lamang na mag sales lady sa mga mall, o kaya pumasok sa mga call center dahil na rin sa kakarampot na pasuweldo.


 

Humihirit ang grupo ng 16,000 pesos para sa isang teacher, 30,000 pesos para sa teacher 1 at 31,000 pesos para sa instructor.

 

Pero sa kabila nito, sinabi ng grupo ACT na  ginagampanan pa rin nila ang kanilang tungkulin na makapagturo ng maayos at maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa.

 

Facebook Comments